12.29.2006

used to be one of the rotten ones and i liked you for that

anthem for a seventeen year old girl, broken social scene

12.26.2006

...

Sentence construction is such a big deal right now. mainly because i can't quite construct one worthy to be read. ENVY. i hate this four letter word.

12.11.2006

old ideas part four

Resisting change (for now)
Change is good. Generally. There are things that seem wrong, or things that desperately need change but you can’t bring yourself to well, change.

Sometimes they scream for it and you feel the need. Sometimes it is wrong, but it doesn’t ask for change..

For now things will remain unchanged or wrong or whatever until it screams for the need to change.

12.06.2006

coffee stains

Rain and coffee

hindi pa ko nakakapaligo sa ulan. Abnormal ba? Parang hindi nagdaan sa kabataan?

Siguro nga, kasi hindi ko maalala ang pagiging bata.

Kapag umuulan, parang ang romantic ng mga bagay… pero syempre yun ay pag nasa kotse o sa bahay ka at hindi habang nagaabang ng sasakyan pauwi.

Gusto ko kapag umuulan. Naaalala kita.

Ordinary day lang nun. Pakalat kalat lang ako. Ikaw rin. Magkasama tayong pakalat kalat. Kwentuhan tayo tungkol sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Nagtatawanan na parang wala tayong klase. Natatamad tayong pumasok e. Napaka BI mo talaga…

Parang kang taong pariwara, pero may direksyon. Hindi magkaktugma ang mga ugali mo, pero OK lang kasi ikaw yon. Sa totoo lang wala ako masyado alam tungkol sayo. Oo,makwento ka, pero alam ko na hindi pa rin kita kilala.

Ang alam ko lang masaya ko.

Kumakanta ka nun, tumutula ako. Nagpapakapasaway tayo. Tapos nagsimulang umambon. Hindi ko pinansin nung una hanggang unti unting lumakas. Tumayo ako tapos hinila kita,

“huy umuulan!”

Pero hindi ka kumibo. Syempre, nagpapanggap ka nanaman na serious ka.

Bigla kang tumayo tapos sabi mo “di ka pa nakakapaligo sa ulan diba”

Kamusta naman yan, balak mo ata maligo sa ulan. Wala kong balak magkasakit no.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na tumayo dun, ang lamig ng ulan. Hindi ko magets kung anong masaya sa ulan.

Habang nagmunimuni ako. Nakatayo ka lang, binibilang mo siguro yung patak ng ulan.

Nakatayo lang tayo, parang tangang hindi napapansin na umulaan. Tiningnan kita. Tiningnan mo ang malayo. Binubulong sakin ng ulan ang mga salitang kahit kelan di ko maririnig sayo. Mga bagay na satin lang kapag umuulan.

Hindi ko alam kung gano katagal ang ulan. Para sakin napakabilis. Bigla na lang tumigil ang pagpatak. Basang basa tayo.

“huy! Tapos na, tao ka na! nakapaligo ka nasa ulan.”

Gago ka talaga…tumakbo tayo papuntang building. Good luck sa car seats mo mamya pag hinatid mo ko. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid mo ko.

Mahal ko ang ulan gaya ng pagmamahal ko sayo. Hindi ko kayang ipaliwanag. Ayaw kong kwestyunin. Parang pagkwestyun un sa pagligo natin sa ulan.

Tuwing umuulan, naaalala kita. Minsan naluluha ako. Minsan napapangiti. Madalas napapagkamalang baliw.

Kahit imahinasyon at kape lang ang bumubuo sa pangarap kong makasama ka sa ulan, masaya pa rin ako.

11.15.2006

of public transpo and lonely hands

Sa magulong lugar na to
Tinatawag nilang Maynila
Kung saan sasakit ang paa mo
Sa paghihintay ng masasakyan
Nakatayo kang nagaabang
Ng sasakyang
Maghahatid sayo
Pauwi
Palayo
Nakalusot ka
Sa mga kaagaw mong nagaabang din
Isang oras mong hihintayin
At sa loob
parang pugon
Na sing bagal ng pagong
Ngunit may mga araw na malamig
Ngunit mabagal pa rin
Maiinip ka
Makakaidlip
Hanggang mapansin mo
Ang kamay mo
Nanlalamig na
Magugulat ka
Isang mainit na kamay
Ang aabot dito
Walang tanong
Basta ngayon hindi na nanlalamig
Ang kamay mong
Madalas mag-isa
Isang oras at kalahati
Kung malas ay dalawa
Pagtitiisan mo ang biyahe
Para makauwi
At magpanggap na magpapahinga
Ngunit ang araw na to
Iba
Dahil ang mapagsolo mong kamay
Ay may kasama.
Naidlip ka ulit
Nagising dahil sa preno
Naruon pa rin ang kamay
Nakikiramay
Sa nilalamig mong kanang kamay
Malapit na
Ang palengke naraanan mo na
Sabay tingin
Sa kamay
Na nakahawak sa iyo
Parang paalam at pasasalamat
Madidismaya ka ba?
Kung malalaman mong
Kaliwang kamay mo pala yon
Nakikisama sa kanan mo
Ngiti at inis
Kamay mo rin pala
‘bayad po’
inabot ng kaliwa mong kamay
ang bayad sa malamig
at mabagal na pugon
na nahaghatid sayo
mula Maynila
hanggang bundok
masyado na ba malungkot
at kailangan mo nang
pagtyagaan ang sarili mong
palad
para may kasama naman ang
isa
na laging nagiisa

11.12.2006

...

i will continue to do what makes me feel alive. i will not let go of something that prevents me from resorting to apathy. i will bleed and hurt until something comes along to make me smile without the pain, to make me go on life without morphines, to make me miss the pain. something that will lift the veil of addiction to pain.

pains without scars. you'd think they go away faster than those that leave terrible marks, guess they don't. it's harder to relieve yourself of pain that emanates from nowhere.

10.27.2006

old ideas part three

I’m overdoing it. It’s difficult to let go of something you thought you’ve wanted forever and find that it is not for you. I could have made it work. I could. I know. Eventually the load will lighten up, the pressure will be relieved and I’ll start to enjoy again. But I’m too much of an idealist (translated to stubborn) right now.

I screwed up a great opportunity that will never come by again because I’m too scared to pass by that road again. Maybe I’m just lazy. Romanticizing stuff.

I love that I’m feeling conflict right now, I haven’t resorted to apathy yet.

10.25.2006

...

Posted last june 29

nabuhay nanaman ang pangarap kong magsulat. nakailangan ko munang ipagpaliban dahil di pa ko tapos gumawa ng plate sa design subject sa arki...hindi journalism, creative writing o kung anong mang may kinalaman sa pagsulat.

isasantabi ko muna ang paborito kong pagsusulat, para mag drawing.

Isasantabi. Di ko nagawa yan.

Pinilit ko pagsabayin. Last month desidido ko na alam ko ang ginagawa ko. Ngayon, napapaisip ako kung bakit ko nga ba ginawa yon.

Akala ko dati, emotionally stable ako. Wait lang, di pala. Medyo lang. bakit ngayon, naguguluhan nanaman ako. Ang hirap pa nito, di ko na dapt iniisip to.

Itutulog ko muna to, baka bukas wala na.

10.24.2006

old ideas part two

I finally did it. Signed the worst letter I think I will ever make (fingers crossed). Again, it all sounds so official. It scares me.

This is harder than deciding whether I should pass that résumé because it sucks. This is harder that actually deciding whether I should write it or not. Yesterday I just found out something that is harder; walking inside a room, submitting a letter that need not be edited, will be taken as it s and ending the two-month-assurance that there is something between my ears.

Who gets teary eyed over a business letter?

I mulled this over and over and still even though your sure with no second thoughts, it’s sad.

Sorry for disappointing people. I’m not sure if apologized in the letter.

...

new turns old turns rotten. so i need to let this out. and the birth of old ideas series.
-----------------------------------------------------------------

Cuppiness and Coffiness: Happiness in a cup of coffee

Translation: cup=gazillion gallons

-----------------------------------------------------------------

Green tea frap like coffee is also inspiring then again maybe not.

I was staring at my green tea frap 3 hrs ago and it thought “ I should be a lazy creative whatever” I mean, I romanticize everything. I wait for the muses before getting to work which means I never get any work done which also means I am lazy. I work best without a schedule or rather a very flexible one. Pushing deadlines not beating them. I’ll end up in the dumps. That’s reassuring

Notice the abundance of I’s. Man I’m self centered.

10.23.2006

tamadness

forgive the title. can't think of anything else. hence, tamadness.

tamadness again, dahil nakakatamad mag edit ng html. dahil trial and error. so ngaun nasa baba ang remainder of the blog. (must be a sign, di na dapat magsayang ng oras sa mga kung ano anung tests.)

nakakadira ang language, masyadong kolokyal. haaay

...

sino mabait na may CLockwork Orange. movie or book.

and lolita. stanley kubrick din. movie na lang. love the book. basta.

10.22.2006

just in

here's a sweet truth:

someday, someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with anyone else.

haaaaaaaaaaay

old stuff part 1

The drafting table of a supposed writer

My table is looking weird now. There are superimposed 15 by 20 clear prints in the center all waiting to be inked or started. Taped on the upper right side or sometimes on the left are 3 pages of short bond paper, printed on them is the proof that a few people actually believe I can write. Beside my table is the computer. Dusty. At night until the wee hours of the morning I find myself shuffling between the table and computer. Sometimes or most of the time I end up in between, which is the bed. And tomorrow I wake up with nothing to submit, stressed and in big trouble.

The table I use for drafting. The computer I use for writing. Before, I never put my ramblings directly on screen, I let them run around the paper first to develop, then they end up edited in MS Word. Nowadays, I can not afford them running around. Either there is no room to run around or there are no ideas to run around. It gets annoying.

The computer and the table are now basically the same. I never want to use them when I need to. I am in really big trouble now; the Indecisiveness Syndrome is firing up. I hate second thoughts. That’s why I taped the 3-page proof of my brain beside all the things I have to do. Hoping that it will anchor my floating head, I need it. It scares me. It’s so official.

My table is looking weird, still. It’s also dirty.

9.20.2006

today

I am enjoying this. Lunch, without thoughts of deadlines running inside my head. Early dismissal,period.

One day soon when it finally sinks in, i'm gonna miss 'the stint work'. I do feel bad. I do feel like a great oppurtunity has been messed up. But I'm hoping I made the right choice. Or. I will make it the right choice.

I am sorry for disappointing people.

9.17.2006

tears

akalain mo kailan lang e tempting. ngaun totoo na. makkwento ko rin to kapag di na ko naiiyak. at hindi na ko natatawa na dahil sa red o white... ewan. syempre ako lang makakaintindi. if you're not communicating you're not writing. so technically i'm not writing. i guess.and this is bs

hindi ako bitter, minsan kelangan mo lang talagang bitawan ang ibang bagay. hindi uubra ang idealism sa grades kong going down, down, down.

maybe i wasn't born to follow the norms. haay.. tears

the room is definitely bloody again

9.12.2006

tempting

QUIT
give up, stop, relinquish, refrain from, renounce, suspend
leave, resign, walk out, abandon, vacate, give notice, desert, give up

8.14.2006

...

proven na.

hindi talaga dapat nakikinig sa 'one last cry'(ng paulit ulit) kahit kanino pang version sa mga oras sa pagitan ng 12 at 4 ng madaling araw. hindi dapat nagbabasa ng sarili mong blog para makita kung nagevolve ka na ba. hindi dapat magisip ng sad thoughts, what ifs, could-have-beens, should-have-beens, at how-i-wish kapag tunog lang ng malungkot na boses ng singer, bagsak ng tubig ng aquarium at hininga mo ang naririnig mo.hindi rin dapat pakinggan ang nasaan ka ng pupil (pati na rin ang dianetic) lalo na kung acoustic version habang iniisip mo kung bakit wala kang kasama manood ng isang gig ng pupil.

in short, bawal mag isip ng kahit ano liban sa masakit sa ulong plate kapag madaling araw para :

hindi manlabo ang paninggin sa nagpipilit tumulong luha (ouch!)
hindi mapraning sa katitingin kung may nanonood sayong 'magsenti' (tao man yan o hindi)
hindi magkaroon ng runny nose dahil sa sipon na akala ay luha siya
hindi maghanap ng tissue na palaging nawawala
hindi maubos ang card sa wlang kwentang blog entry
at hindi kumirot ang puso na talo pa ang heartburn sa sakit ( ang masakit dun hindi tinatablan ng tums ang sakit na ito)

8.06.2006

...

hindi nga nabitin ang tapak, parang nadudulas naman. haaay....will power

7.22.2006

...

paramdam ka, may naghihintay

...

hectic un lang, kagaya ng mga order sa starbucks. nagkakanda buhol buhol na ung sched ko, at nagkakanda ekis ekis na ang paa ako para tapusin ang mga bagay bagay at hindi pa nagsisimula ang lahat. talaga namang nakuha ko pang tumambay dito. na matatapos na ngayon.

kung walang katuturan na dati, mas lalo ngayon...

7.18.2006

nanaman

as usual, takas nanaman ako. di naman sa nagpapaka mushy pero wala na bang nagaasawa ngayon dahil lang sa mahal nila? ooops! freaky question... at meron pa naman palang natitirang gentlemAn sa mundo. oh well.

hindi bitin ang hakbang medyo umabot naman sa tapakan. kapag sinuwerte, pesteng salita yan... kelangan ng swerte habang nagpapaka saleslady ka, benta rito benta ron. patay! kapag minalas. bitin na nga nag hakbang... baka di natuluyan masundan. pero hindi lang naman hagdan ang pede, hmmm.. may ramp naman, mas madulas nga lang. mas madali matulak. kapag sinuwerte ako, patay nanaman. maraming mamalasin,bwahaha. sana swertehin ako. takbo na!

7.12.2006

bat ganon?

tatlong araw na. dapat gugumahol na kong tapusin ung mga bagay na dapat kong ginagawa. pero nakaupo ako at naghihintay para gumawa ng hakbang dun sa isang bagay na hindi ko naman dapat ginagawa. at nakakatakot pa don, nag enjoy ako. hindi ako na pressure mag isip, hindi ako nahirapan at nag ENJOY ako. bat ganun. pero syempre kasama nun, nagkakanda loko loko na ang buhay ko sa Torture. hindi pa tapos.

di bale kung sakali man...hindi ako manghihinayang.

7.06.2006

ang naligaw

ang kwentong bob ong nakakatamad na ituloy...
ang naligaw kong post nandito
ang susunod na kalokohan
saka na lang

6.29.2006

...

ang libro ng bob ong. parang inabot sa kin na national siguro 2 weeks ago. medyo 3 years ko na yata gusto magbasa ng mga libro niya. naaaliw ako e. nakakatuwa. hindi ka pressured, kung mababaw kang tao, masisiyahan ka. nakakatawa ang pagsusulat. kung ikaw naman ung tipong 'go deeper' ang motto, e di ka naman mabibigo.

hindi pa ko gumagawa ng assignment noon pero sige pa rin, tuloy sa sm, dahil nawalan ng internet sa bahay. bumibili kami ni mama ng reference books. andaming pictures e. kung natisod siguro ko sa paglalakad papuntang counter hindi pa umabot ang hawak kong stainless longganisa. dati ko pa un binabalikbalikan kuripot lang talaga ko. pero nung gabing un, para bang pede na, ito na ang tmang panahon na ipabili kay mama. kaya nagbakasakali ako,iaabot ko, kung bibilin ok, kung ihindi ok lang dn. optional kung baga. di gaya ng diploma wala kang ibang option.

aun binili naman. at un ang pinakamalaking maling tama na ginawa ko. de.....joke lang. nabuhay nanaman ang pangarap kong magsulat. nakailangan ko munang ipagpaliban dahil di pa ko tapos gumawa ng plate sa design subject sa arki...hindi journalism, creative writing o kung anong mang may kinalaman sa pagsulat.

isasantabi ko muna ang paborito kong pagsusulat, para mag drawing.

itutuloy kung may oras....

6.25.2006

after 10 years

pasukan nanaman! dapat masaya, di masyado pero ok lang. sa wakas natapos ko na ang stainless longganisa.apag tuluyan na kong na kumbinse na gusto kong maging manunulat at maging unemployed... well kasalanan ko un. at hindi ng kung sino sino.

mas masarap ngumiti kaysa maging indifferent... pero mas madali humanap ng dahilan for indifference.

6.02.2006

si luli

si luli matagal ko na kilala.
si luli palagi kong kasama.
si luli bigla na lang umalis.
si luli minsan nandyan.
si luli minsan wala.
si luli gusto kong makausap.
si luli gusto kong makita kahit walang paguusapan.
pero si luli...
di ko na kilala.
hindi ko na nakakasama.
tuluyan nang umalis.
pero minsan nandyan parin.
mas madalas wala.
hindi ko na siya makakausap.
hindi ko na siya makikita.






kasi ayaw na niya.

luli

nakakapagod maghintay.
sa wala.

6.01.2006

pagikot ng sakit

tag ulan
tag iyak
tag lamig
tag lungkot
tag araw
tag tuyot
tag ulan
tag daloy
tag lamig
tag manhid
tag araw
tag ulit uli

5.31.2006

anthology

ang daming bawal sa mundo
sinasakal nila tayo.

5.30.2006

...

Pagpasensyahan mo na. kung nandito nanaman ako. Nagmamakaawa nanaman. Gawin mo lang ang ginagawa mo dati…ang makipaglaro…ang magpaasa.

Kung dati pinagdarasal ko na ang laro natin maging totoo…ngayon hindi na.

Para ka na lang kandilang may sindi kapag brownout. Nakakaaliw…kasi wala na kong ibang magawa.

Pinagmamasdan. Iniisip kung masasaktan ba ko kung susubukan kong hawakan ang apoy. Ganun lang yun. Sa matagal na panahon.

Tapos gagawin ko rin, hahawakan ang apoy.

Masasaktan.

Tapos uulitin ulit.

Pagpasensyahan mo na kung nandito nanaman ako. Umaasa kong sa pagkakataong ito magsasawa na ko sa sakit.

5.29.2006

...

Babalik ulit ako dun sa lugar na satin lang. ung lugar na di nila alam. Lugar na di mo rin alam. Ung satin pero…pangarap ko lang.

Bumabalik ako dun, halos araw araw. Hinihintay kita na sumulpot. Hinihintay kitang umupo sa tabi ko. Di tayo mag uusap, walang pagkkwentuhan, pero magkakaintindihan.

Ikaw lang ang hinihintay ko. Lahat silang dumaan, di ko pinansin.

Katangahan nanaman… matagal mo na palang pinupuntahan ang lugar na satin lang, inakala kong satin lang.

Sa inyo pala.

Inyo.

San na ko?

5.22.2006

dalawa

dalawa

dalawang minuto
para i-iyak
hindi luha
kundi dugo
dahil sayo

bukas ganun ulit… akala ko iba na ang iniiyakan ko.un pa rin pala…stupido.

Ang daya mo, nasayo ang tali. Kailan mo ba balak bitawan…

Sa leeg ko na lang, dun mo itali. Sabay hila ng malakas. Para tapos na. ulo ko na lang ang dalin mo. Iwan mo na ang puso. Para di na ko masaktan.

Dalawang minuto lang.
Para itali
Ang lubid

Kung dati luha, ngaun dugo na. naaagos di sa mata kundi sa leeg kung san dati nakakabit ang ulo. Aagos hanggang tuyot na. para ang puso ko makapamahinga na.

At ang ulo ko na dala mo… sa mga mata luha na lang ang papatak. Di dahil sa sakit kundi dahil lang sa pagkasanay. Hindi bale, matutuyot din yan. Kagaya ng puso ko, mamamahinga na.

Taon ng pagpapahirap…
Dalawang minuto para basahin to.

ilang Segundo lang para sabihing ‘mahal kita’

at habang buhay na kong susunod sayo.

...

Minsan lalapitan kita. Wag kang lalayo. Wag mong iisipin “sino kaya ang gagong ‘to?”
Makikiusap lang ako. Pahiram naman kahit sandali, ng buhay mo, sandali lang.

Ang buhay mo , na pingarap kong maging akin. Kahit hndi ako ikaw. kahit isang malaking pagpapanggap lang ‘to. pumayag ka.

Maranasan ko lang tumawa ng gaya mo, umiyak ng gaya mo. Ng may makikinig sa tawa ko. Ng may magpupunas ng luha ko. Ng may magsasabing “ok ka lang?”
Kahit ilang saglit lang…masama bang isang araw man lang? Ang pagiging ikaw, ng makasama ko naman ang kahit kailan di ko na makikilala.

Pagkatapos babalik na ko sa sulok ko. Ibabaon ko ang kanyang ngiti, iisipin kong para un sakin. Para habang pinagmamasdan ko kaya at nagsimula na kong lumuha sasabihin ko sa
sarili ko “tiningnan ka niya sa mata, at ngumiti,minsan…”

At Ang Inggit

Ikaw. nandyan ka. May sariling mundo, marami problema. Hindi mo alam naiingit ako sayo.

Ako. Nandito lang. may sariling mundo, marami ring problema. Alam ko naiingit ako sayo.

Hindi tayo magkakilala. Siguro nakasalubong na kita, nakabangga sa kung saan, e ano ba naman ang pakialam ko sa taong di ko kilala.

Kung di naman ako naghanap di kita makikita. Hindi ako magtataka kung ano bang meron sayo. Kung bakit binabalik balikan kita. Kung bakit naaliw ako sa problema mo…

Tinititigan kita. Natatanga nanaman. Ubos na ang internet card. Tapos nalaman ko na. kung bakit…

Dapat relief ang nararamdaman ko, pero hindi.

Inggit lang pala.

Inggit pala.

Nasayo na ang bagay na wala sakin. Kahit tumatawa ako, kahit umiiyak iba pa rin. dahil iba ang nasayo.

Hindi naman ang pagtawa mo ang hinihingi ko, hindi rin ang pag iyak mo.

Ang taong un.

Siya lang.

Ang taong nasayo na.

Akala ko pelikula lang ang iniiyakan ko. Pati pala ikaw na di ko kilala.

Tumawa man ako at umiyak, tawa mo lang ang maririnig niya, luha mo lang ang pupunasan niya.

Ang swerte mo. Ingatan mo.

Ang Short-lived

Short lived lang pala ang writing streak ko. Parang mga ym conversations ko. Sandali lang tapos na. tinulugan ka na o kaya nakipag-usap sa iba.

Ang pagbblog ko parang addiction, isang matinding high tapos biglang sadsad. Kagaya ng nsabi ko na isang entry ko dito. Naghuhukay ako, tapos na un. Nasa ilalim na ko ng hukay. Mag isa nanaman

Di na bago un.

Sayang kapag nagsusulat ako, ng walang kwentang bagay, kahit maraming naaalala, masaya. Bakit ngaun puro lungkot nanaman.

5.21.2006

Simpleng Pagpapanggap lang

Maraming bagay ang ayaw ko. Ayoko ng niloloko. Ayoko ng mga taong nagpapanggap sa harap ko.

Ikaw lang siguro ang kaya kong mangloko sakin, kahit masakit.

Sana minsan, maisip mong isama ko sa pagpapanggap mo. Magpanggap tayong masaya.
Tapos balik ka na sa kanya.

Pagmamasdan na lang ulit kita.

5.12.2006

nawawala

Naisip ko mabilis tayo minsan magtapon ng bagay na akala natin sira na, kasama na rin nawawala ung mga maayos pa.

Bakit minsan sirang sira, laspag na, wala ng silbi di pa rin matapon? Kaya napupuno ng kalat ang desk ko kasi maraming bagay dun, pinaglumaan na, ung iba gumagapang na papuntang basurahan.

Di ko maitapon.

Minsan mas magandang di nalang pag isipan, tapon na lang agad. Habang hawak mo kasi para bang unti unti may maaalala ka. Hanggang sa sasabihin mo, sa susunod na lang…di ko pa kaya itapon.

Naglinis ako ng desk nung isang isang linggo ang daming kalat. Habang nagkakalkal ako, may naalala kong lalagyan. Babasagin, ung parang lalagyan ng potpourri. Maliit lang un, kasya sa palad ko. Dun ko pinagkasya ang kwento ng dati. Pano kasi ang hirap tuwing nababasa ko, ang dami kong naaalala. Taon din bago ako nakapagdecide na bitawan na un. Inisip kong sunugin, i cremate ang memories kumbaga. Kaya lang pangit isipin, ung memories mo, itim na dumi na lang. kaya pinunit ko na lang. pero ang OCness ko ayan na naman, ginamitan ko ng gunting.

Parang ako ung nagugupit. Ako ung napupunit.

Ako ung ilalagay sa boteng maliit.

Pirapiraso na, ang hirap.

Hindi ko na maalala kung kelan ko ginawa un, basta matagal na. habang ginugupit ko, binabasa ko paputol putol. Kasi pagkatapos nun, wala na. kahit iyakan ko di na mabubuo ulit.

Kung tutuusin, matagal ng sira un. Hindi lang ung papel.

Pagkatapos pinagkasya ko sa bote. Sakto lang. nilagyan ko ng sandamakmak na glue ung ibabaw para madikit ung cork na takip. Baka kasi isang araw topakin ako at maisipan kong buoin ulit. Ang ganda tingnan parang display.

Un na ung iniyakan ko dati, nagkasya sa bote na ngaun hindi ko na alam kung nasan. Di ko maalala kung itinapon ko na o itinago ko sa kung saan.

Ngaun naaalala ko ung mga bagay bagay… ang sakit isipin un lang un. Nakasya sa boteng nawawala.

too hasty II

Wow ang bilis! May sagot agad sa aking panawagan

Tama nga naman daw, na minsan iniisip mo lang na gusto mo. Kumbaga, nachachallenge ka kaya ipinipilit mo… pinapasakitan mo ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman tlaga gusto.

Pero gaya ng dumi sa kaldero, mahirap nga namn bitiwan. Para daw bubble gum, napakalagkit. Di mo sinasadyang maupuan, di mo rin matanggal. Ang pantalon mo di mo na magamit hanggang sa maluluma na. ayon sinira lang ng bubble gum, na iniwan ng isang taong walang pakialam.

5.11.2006

too hasty

Ewan ko ba at ano pumasok sa isip ko naisipan ko idownload ang ‘sa kanya’ ng mymp. Di naman pangit ang kanta, masyado lang masaklap. Isama mo pa na sira ang file… first part lang tumutugtog.

Sa kanya pa rin… aruy. Hindi na dapat buhay ang alaala, pinatay na yan. Sa totoo lang non- existent naman yan e. talong talo ka dyan.

Ito’y wala sakin… b-a-k-i-t h-a-n-g-g-a-n-g n-g-a-u-n nagdurugo pa rin. (susme, imahinasyon mo lang yan.)

Ngaun nag iisa… lagi naman

Kung iisipin mo di ka rin sasaya sa bagay na pilit, sa bagay na di talaga sayo.

Kaya ibaon mo na yan!! ( alam ko binabasa mo to…makinig ka naman)

5.10.2006

katangahan sabay TALON

Ang katangahan ko dinadala nanaman ako sa kung saan saan. Pinapahirapan ko nanaman ang sarili ko. Nilulubos ko na ang pagbblog, ang saya e.

Habang may time pa, pproblemahin ko na ang iisipin ko bukas para ready na ko. E ang problema as usual, hindi ung ineexpect mo ang mangyayari. Aun caught off guard ka nanaman. Natanga ka nanaman. Ewan ko ba, sadya akong pinagkaitan ng tamang panghusga…

Naghuhukay nanaman ako ng hukay, tapos TALON! Gaga ka talaga. Masokista siguro ko, sinasaktan ang sarili. Kasi sa pagiisip ko kanina habang nakaupo sa sahig at naiinitan… ako lang pala ang may gawa ng sakit ko. Siguro may contribution din ang iba, pero halos lahat galing sakin. Iniisip ko lang, ang hukay . tapos saka ko tatalon at habang nandun, madilim, (sana man lang nilagyan ko ng ilaw diba?) iisipin ko kung kasalanan ko ba? Tapos marrealize ko ako lang pala. So un gawa ulit ng bagong hukay…TALON ulit, gaya ng dati.

...

tapak tapaku ulit

ligaw ako e, kung san san nagkakalat.:)

...

Ang saya nagsusulat na ulit ako. Ang sarap ng feeling, kahit wala pa rin itong kwenta na prove ko na na di pa ko tuluyang nabobobo. Nakakatakot lang ang magsulat ulit. Di gaya dati, ang srap ng pakiramdam. Ngaun may halo ng takot.Kasi tuwing nagsusulat ako may danger, na maisip kong pinanganak ako para magsulat. Katakot tlaga. Para kong itatapon ang pinaghirapan ko sa arki, hindi pa naman ako practical na tao. Kapag napagtanto ko na writing talaga ang buhay ko, di malayong itapon ko na lahat ng bagay na konek sa arki. Brrr….. bakit parang lumakas ang aircon?

Di naman siguro, kasi decided na talaga ko na ayaw ko matuto magsulat, feeling ko mawawalan na ko ng authority sa isusulat ko. Sa palagay ko lang naman un. Tama lang siguro na arki ang kinuha ko, para ang pagsusulat ng walang kakwenta kwentang bagay ang outlet ko, kundi sasabog ako.

Sa 3 taong paghihirap sa kolehiyo, bilang lang sa daliri ang magandang bagay na narinig ko sa mga gawa ko. Ang mga naaalala ko e ung galing sa spongklongs… ang mga kaibigan kong pinagtyatyagaan ako. Naaalala ko nung bata pa ako…..

Ay mali, kailan lang pala ito, si gigs lam ko di mo mababasa pero kwento ko na rin. May gawa ako dati sa bi mo simple pero may dating. Ung ‘may dating’ part inadd ko na lang ata sa utak ko. Ang sinabi mo lang ata, simple. Ok lang, masaya na ko dun. Si nancy, may sinabi dati…astig ung concept nayan… baka imagination ko lang din, pero masaya pa rin. Si nikki,ang babu ng kanyang babu( nakikisawsaw lang ) lam mong di ako cut to be an architect, e di nga ko marunong magdrawing e, pero alam mo na pinaghihirapan ko to. Karamay kita sa frustration sa mga design na wlang puso. Naks!!!!!!!! Nakakakilabot! Pareho nating mahal ang History at Theory of Arki… mahal natin… ang saya, napag usapan na rin natin na gusto natin sana dumating ang panahon na makakapagturo tayo. Ako alam ko privilege talaga un, kasi kung bano ang mga prof natin sa subject na un, di ko siguro mamahalin ng todo ang arki. Wow! Ilang beses ko na ginamit ang word na mahal….

Bulong ko lang: mahal ko rin kayo, spongklongs, kailangan ko na sabihin ngaun habang di pa ko nandidiri sa emotions na ito…hehe. Kahit madalas di ako nakakasama sa lakad, kahit harsh ako, kay koko lang naman, kahit parang wala akong pakialam sa inyo, e mahal ko kayo. Salamat sa pagtyatyaga. Kailangan lang ako katukin para magising…

Tama na un, at baka maiyak ako. Nakanams! Di na mauulit yan.

Di bale dalawa lang naman ang naliligaw sa blog na to, ako (yes, binabasa ko ito, minsan natatawa ko ako pala yon) at ang buset ng akala mo magcocomment mga nag aadvertise pala ng insurance. Insured na po ako,salamat na lang.

...

tapak tapak

5.09.2006

...

Hmm… matagaltagal na rin. Dapat sinusulit ko na ang oras dito dahil kapg nag pasukan mabobobo nanaman ako. Sa totoo lang nung college nagsimula ang kabobohan ko. Ang saya naman milestone pala ito, unang post ko na tagalog.

Ang sarap ng walang ginagawa. Kaya lang parang mas masaya magtamad tmaran kapag may class, ung tipong may ipapass kang plate kinabukasan , kasi alam mo hindi mo dapat ginagawa un. Minsan masaya talaga ang bawal.

Sa totoo lang sayang lang ang bakasyon na to sakin. Pagpasok ko sa june, patay nanaman ako. Papasok ng walang alam. Kagaya ng ginawa ko 3 years ago, ng maisipan kung pasukin ang unknown world of architecture na ngaun ay arkitorture na. kung tutuusin, gusto ko talaga to, may pakiramdam ka na dito ka dapat. Kaya lang di gaya ng iba kong kaklase na bata pa lang (o high school pa lang) e pinapangarap na to at may talento sa bagay na to, ako, kapag malapit na malaglag hirap humanap ng dahilan para kumapit. Kung sana maliit pa lang ako lam ko pinanganak ako para maging architect sasabihin ko sa sarili ko na ito talaga ang calling ko. E ang inaabot mo, kagaya nga ng sabi ko dati ‘palapit ang layo’

Palagi kong naiisip mayabang talaga ko. 2 university lang ang kinuhanan ko ng ET. UP at Ust. Sa parehong yan tumapak ako dala ang application form, may nakasulat na kursong wala namang direkson. Salamat sa kabobohan ko sa math, at di ako tinanggap ng UP. May konswelo naman, sa huli nakalagay ung math kasi dun sa ibang test e na amaze ako sa grade ko. Math lang ang malaking panira. Pero sa arkitektura ng ust pumasa ko. Nakakatawa nga kasi bano ung drawing test ko dun.

Ngaun 2 taon na lang (sana) tapos na. naiisip ko nag eenjoy naman ako, kahit sirang sira na ang body clock ko. Naiisip ko, gusto ko pinasukan ko. Tama lang na nandito ako. Pero di naman palaging ganun. Minsan naiisip ko kung natanggap kaya ako sa UP at broadcast com ang kinukuha ko, ganun din kaya ang sasabihin ko? Sasabihin ko rin bang gusto ko na broadcast com ang pinasukan ko, tama lang na nandito ako? Kung dun kaya ako napunta, maiisip ko pang mag shift sa arki?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay………………………………………………….

Ang naiisip ko dapat wala ng ganito ngaun. 2 taon na lang konti na lang pede mo nang tawagin ang sarili mong architect. Sa totoo lang hindi. Kasi habang kinukuha ko ang kursong to, lalo ko naiisip hindi lang to tungkol sa pagtatayo ng bahay, hindi lang sa pagtatyo ng mamahaling hotel o condo o kung ano mang building na pipirmahan ko ang drawings. Ayokong maging practical na architect, practical kumbaga basta malaki ang kita, bahala na kung pangit, bahala na kung ung bahay di naman gusto tirahan. Ayoko ng ganun, gusto ko ung gagawin ko, kagaya ng sabi ng prof ko, e “wowness” kasi nga naman gagawa ka rin lang pagbutihin mo na. ung tipong pagpasok ng tao e, masisiyahan siya ung may feeling ng ‘elatedness’ ung wow gusto ko ulit pumunta sa building na to. Siguro nga tlagang mahal ko ang architecture…kasi teary-eyed na ko at sinisipon.

Dati sa acad kapag di ko na tlaga kaya gumawa pinapass ko na kahit di tapos kesa naman singko e tress na lang, aba e buong summer ko un pagsisisihan no?! pero kapag sinuwerte at naging architect ako, din na pede yon. I aabandon ko na lang ang title ko at ‘mag-eearn a living sa ibang paraan’ kesa dumihan ang pangalan ng architecture sa bara barang gawa.

4.29.2006

...

my cousins wedding today...
lost by default today...
no one to talk to today...
wow this is depressing...

oh well

we had to meet my uncle 7pm last night, 2 minutes before we left it was pouring. summer. nuff said. we were in tagaytay past 11. and my ever so cute nephew is still wide awake----thanks to the knee deep tub. ang cute niya grabe!! last time i saw him was our xmas reunion. but of course he doesn't recognize me. he was just wondering what the shining shimmering things were on my mouth and why the hell my hair is too long----or too magulo at that. his cuteness woke me up at some crazy time in the morning,cause of his wailing...but the next morning he was back to his cuteness again so that's ok.

the wedding went along fine. no breakfast for me, by the time we reached the reception i was so starved, there was something different with the food. if it wasn't unethical i would have stuffed some of those little cakes they have in my pouch... oh well, again.

i'm getting really bored by this post

4.24.2006

...

a footprint left

4.23.2006

resurrect

I’ve decided to resurrect the long lost livejournal account… I’ve finally figured out the password. Still haven’t decided what the difference between here and there and further and furthermore, so I’ll just continue leaving footprints on all of them till I get tired decide. :)

4.22.2006

finally

wow...
i missed this. i think i've been stuck for too long at home. as usual my loner self seeked solitude, and for more than two weeks methinks, i've been evading the world. i seriously don't know why. there must something terribly wrong with me.

i have fallen,yet again, for an image. some things you just can't help.

i should be with my friends sa EK today, but i'm not!for someone my age, i should have set foot somewhere near that place but for unforeseen, or well, simply unfortunate ones, i haven't. but that's not the issue.

supposed game today. postponed. but that's ok.

i think i'm going insane. and that's not anything new. but the voices in my head are getting louder. i'm too stupid to pick up the phone, to answer it and to make a call. i never know how to keep a conversation. i'm too lazy, period. i'm one hell of a pessimistic whatever. i've forgotten correct grammar and some form of eloquency and i'm falling for another one of my own traps.

i must really be lonely.

if there's more about this on my next post. i've really gone mad

2.23.2006

hibernation

out of hibernation! took me quite a while. cynical me needed to recuperate. man, life is draining the hell out of me. i spent 2 days. locked up, away from the world. well, except for a 2 hr stroll at mall. saw love actually more than 5 times, in good company around 2 times and two weeks notice. love actually IS all around. now who says i'm a complete cynic? naah! i know i am, but i AM trying to see the light and enjoying it. people of actual essence live. people of great pretense exist. and i need to get organized this semester is killing me. one point at a time. and 3 solid points are almost up! i need a break! i'm getting a pretend break, but i am just starting and over. i just realized how incredibly away from myself i am. and that's why i am rambling. good night!

1.30.2006

victim

my new victim just click there. for all the other stuff i should have put in my homepage, but my laziness got to me. plus i liked the theme.

1.02.2006

spiderman

Topher Grace in Spiderman? they say he'll be playing a villain, Venom. Now I'm not an expert on these stuff, but heard he's one of the favorite villains. I wonder, spiderman against a look alike... well his character is under lock and key... if i didn't know any better i'd say he's replacing tobey maguire. just a thought. but i just saw 'in good company' (which should have been 'synergy' but i'm glad they changed it, doesn't work with the story)he was a real wreck in that story, i mean carter duryea. nice movie, unless of course you're me, you probably wouldn't think much of it.

1.01.2006

...

What would make me happy? Friends and family. No matter how dull life gets--- and cliche, they are still there. Who cares if things go too loud for my quiet world, that kind of noise I can endure.
Who would make me happy? People who are not content with the mediocre. Good enough is not good enough, only a handful people believe that. And they make me happy.
What would make me happy? To do things I like best. To know I’ve exhausted all efforts on my part. And not care if people do not think it is the best.
What would make me happy? To like the things I do. To be lazy for one whole day and not worry about the consequences. To be free to talk my mind and not be judged.
Who would make me happy? People with open minds and take the time to actually listen and accept the fact that both of you are capable of thinking. They do not have to agree with you but they do lend ears.
What would make me happy? To be myself, totally different from everyone else and not be damned. And while on the subject, for people to be who they are and not second-rate duplicates.
What would make me happy? Quiet time. Some time to realize that I’m happy and was not put in this world randomly. Silence has always been comforting, to know that I can sit in one place and deal with the world my way. No matter how bad things turn out, I can always clear it up in my head. I can go out, be fine again. It’s not pretending, it’s me coping with this mad world.
What would make me happy? The things that some people do not notice. Coffee, water, sleep, a good book, time, papers, pencils, movies, music, food, pillows, a smile, chocolates, dreams, lights, tears, darkness, sunshine, dawn, wind, rain, fire, ice, conversations, watches, white, black, tick tock, silence. Mediocre should be taken out of the dictionary.