5.09.2006

...

Hmm… matagaltagal na rin. Dapat sinusulit ko na ang oras dito dahil kapg nag pasukan mabobobo nanaman ako. Sa totoo lang nung college nagsimula ang kabobohan ko. Ang saya naman milestone pala ito, unang post ko na tagalog.

Ang sarap ng walang ginagawa. Kaya lang parang mas masaya magtamad tmaran kapag may class, ung tipong may ipapass kang plate kinabukasan , kasi alam mo hindi mo dapat ginagawa un. Minsan masaya talaga ang bawal.

Sa totoo lang sayang lang ang bakasyon na to sakin. Pagpasok ko sa june, patay nanaman ako. Papasok ng walang alam. Kagaya ng ginawa ko 3 years ago, ng maisipan kung pasukin ang unknown world of architecture na ngaun ay arkitorture na. kung tutuusin, gusto ko talaga to, may pakiramdam ka na dito ka dapat. Kaya lang di gaya ng iba kong kaklase na bata pa lang (o high school pa lang) e pinapangarap na to at may talento sa bagay na to, ako, kapag malapit na malaglag hirap humanap ng dahilan para kumapit. Kung sana maliit pa lang ako lam ko pinanganak ako para maging architect sasabihin ko sa sarili ko na ito talaga ang calling ko. E ang inaabot mo, kagaya nga ng sabi ko dati ‘palapit ang layo’

Palagi kong naiisip mayabang talaga ko. 2 university lang ang kinuhanan ko ng ET. UP at Ust. Sa parehong yan tumapak ako dala ang application form, may nakasulat na kursong wala namang direkson. Salamat sa kabobohan ko sa math, at di ako tinanggap ng UP. May konswelo naman, sa huli nakalagay ung math kasi dun sa ibang test e na amaze ako sa grade ko. Math lang ang malaking panira. Pero sa arkitektura ng ust pumasa ko. Nakakatawa nga kasi bano ung drawing test ko dun.

Ngaun 2 taon na lang (sana) tapos na. naiisip ko nag eenjoy naman ako, kahit sirang sira na ang body clock ko. Naiisip ko, gusto ko pinasukan ko. Tama lang na nandito ako. Pero di naman palaging ganun. Minsan naiisip ko kung natanggap kaya ako sa UP at broadcast com ang kinukuha ko, ganun din kaya ang sasabihin ko? Sasabihin ko rin bang gusto ko na broadcast com ang pinasukan ko, tama lang na nandito ako? Kung dun kaya ako napunta, maiisip ko pang mag shift sa arki?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay………………………………………………….

Ang naiisip ko dapat wala ng ganito ngaun. 2 taon na lang konti na lang pede mo nang tawagin ang sarili mong architect. Sa totoo lang hindi. Kasi habang kinukuha ko ang kursong to, lalo ko naiisip hindi lang to tungkol sa pagtatayo ng bahay, hindi lang sa pagtatyo ng mamahaling hotel o condo o kung ano mang building na pipirmahan ko ang drawings. Ayokong maging practical na architect, practical kumbaga basta malaki ang kita, bahala na kung pangit, bahala na kung ung bahay di naman gusto tirahan. Ayoko ng ganun, gusto ko ung gagawin ko, kagaya ng sabi ng prof ko, e “wowness” kasi nga naman gagawa ka rin lang pagbutihin mo na. ung tipong pagpasok ng tao e, masisiyahan siya ung may feeling ng ‘elatedness’ ung wow gusto ko ulit pumunta sa building na to. Siguro nga tlagang mahal ko ang architecture…kasi teary-eyed na ko at sinisipon.

Dati sa acad kapag di ko na tlaga kaya gumawa pinapass ko na kahit di tapos kesa naman singko e tress na lang, aba e buong summer ko un pagsisisihan no?! pero kapag sinuwerte at naging architect ako, din na pede yon. I aabandon ko na lang ang title ko at ‘mag-eearn a living sa ibang paraan’ kesa dumihan ang pangalan ng architecture sa bara barang gawa.

No comments: