5.10.2006

...

Ang saya nagsusulat na ulit ako. Ang sarap ng feeling, kahit wala pa rin itong kwenta na prove ko na na di pa ko tuluyang nabobobo. Nakakatakot lang ang magsulat ulit. Di gaya dati, ang srap ng pakiramdam. Ngaun may halo ng takot.Kasi tuwing nagsusulat ako may danger, na maisip kong pinanganak ako para magsulat. Katakot tlaga. Para kong itatapon ang pinaghirapan ko sa arki, hindi pa naman ako practical na tao. Kapag napagtanto ko na writing talaga ang buhay ko, di malayong itapon ko na lahat ng bagay na konek sa arki. Brrr….. bakit parang lumakas ang aircon?

Di naman siguro, kasi decided na talaga ko na ayaw ko matuto magsulat, feeling ko mawawalan na ko ng authority sa isusulat ko. Sa palagay ko lang naman un. Tama lang siguro na arki ang kinuha ko, para ang pagsusulat ng walang kakwenta kwentang bagay ang outlet ko, kundi sasabog ako.

Sa 3 taong paghihirap sa kolehiyo, bilang lang sa daliri ang magandang bagay na narinig ko sa mga gawa ko. Ang mga naaalala ko e ung galing sa spongklongs… ang mga kaibigan kong pinagtyatyagaan ako. Naaalala ko nung bata pa ako…..

Ay mali, kailan lang pala ito, si gigs lam ko di mo mababasa pero kwento ko na rin. May gawa ako dati sa bi mo simple pero may dating. Ung ‘may dating’ part inadd ko na lang ata sa utak ko. Ang sinabi mo lang ata, simple. Ok lang, masaya na ko dun. Si nancy, may sinabi dati…astig ung concept nayan… baka imagination ko lang din, pero masaya pa rin. Si nikki,ang babu ng kanyang babu( nakikisawsaw lang ) lam mong di ako cut to be an architect, e di nga ko marunong magdrawing e, pero alam mo na pinaghihirapan ko to. Karamay kita sa frustration sa mga design na wlang puso. Naks!!!!!!!! Nakakakilabot! Pareho nating mahal ang History at Theory of Arki… mahal natin… ang saya, napag usapan na rin natin na gusto natin sana dumating ang panahon na makakapagturo tayo. Ako alam ko privilege talaga un, kasi kung bano ang mga prof natin sa subject na un, di ko siguro mamahalin ng todo ang arki. Wow! Ilang beses ko na ginamit ang word na mahal….

Bulong ko lang: mahal ko rin kayo, spongklongs, kailangan ko na sabihin ngaun habang di pa ko nandidiri sa emotions na ito…hehe. Kahit madalas di ako nakakasama sa lakad, kahit harsh ako, kay koko lang naman, kahit parang wala akong pakialam sa inyo, e mahal ko kayo. Salamat sa pagtyatyaga. Kailangan lang ako katukin para magising…

Tama na un, at baka maiyak ako. Nakanams! Di na mauulit yan.

Di bale dalawa lang naman ang naliligaw sa blog na to, ako (yes, binabasa ko ito, minsan natatawa ko ako pala yon) at ang buset ng akala mo magcocomment mga nag aadvertise pala ng insurance. Insured na po ako,salamat na lang.

No comments: