11.15.2006

of public transpo and lonely hands

Sa magulong lugar na to
Tinatawag nilang Maynila
Kung saan sasakit ang paa mo
Sa paghihintay ng masasakyan
Nakatayo kang nagaabang
Ng sasakyang
Maghahatid sayo
Pauwi
Palayo
Nakalusot ka
Sa mga kaagaw mong nagaabang din
Isang oras mong hihintayin
At sa loob
parang pugon
Na sing bagal ng pagong
Ngunit may mga araw na malamig
Ngunit mabagal pa rin
Maiinip ka
Makakaidlip
Hanggang mapansin mo
Ang kamay mo
Nanlalamig na
Magugulat ka
Isang mainit na kamay
Ang aabot dito
Walang tanong
Basta ngayon hindi na nanlalamig
Ang kamay mong
Madalas mag-isa
Isang oras at kalahati
Kung malas ay dalawa
Pagtitiisan mo ang biyahe
Para makauwi
At magpanggap na magpapahinga
Ngunit ang araw na to
Iba
Dahil ang mapagsolo mong kamay
Ay may kasama.
Naidlip ka ulit
Nagising dahil sa preno
Naruon pa rin ang kamay
Nakikiramay
Sa nilalamig mong kanang kamay
Malapit na
Ang palengke naraanan mo na
Sabay tingin
Sa kamay
Na nakahawak sa iyo
Parang paalam at pasasalamat
Madidismaya ka ba?
Kung malalaman mong
Kaliwang kamay mo pala yon
Nakikisama sa kanan mo
Ngiti at inis
Kamay mo rin pala
‘bayad po’
inabot ng kaliwa mong kamay
ang bayad sa malamig
at mabagal na pugon
na nahaghatid sayo
mula Maynila
hanggang bundok
masyado na ba malungkot
at kailangan mo nang
pagtyagaan ang sarili mong
palad
para may kasama naman ang
isa
na laging nagiisa

No comments: