12.06.2006

coffee stains

Rain and coffee

hindi pa ko nakakapaligo sa ulan. Abnormal ba? Parang hindi nagdaan sa kabataan?

Siguro nga, kasi hindi ko maalala ang pagiging bata.

Kapag umuulan, parang ang romantic ng mga bagay… pero syempre yun ay pag nasa kotse o sa bahay ka at hindi habang nagaabang ng sasakyan pauwi.

Gusto ko kapag umuulan. Naaalala kita.

Ordinary day lang nun. Pakalat kalat lang ako. Ikaw rin. Magkasama tayong pakalat kalat. Kwentuhan tayo tungkol sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Nagtatawanan na parang wala tayong klase. Natatamad tayong pumasok e. Napaka BI mo talaga…

Parang kang taong pariwara, pero may direksyon. Hindi magkaktugma ang mga ugali mo, pero OK lang kasi ikaw yon. Sa totoo lang wala ako masyado alam tungkol sayo. Oo,makwento ka, pero alam ko na hindi pa rin kita kilala.

Ang alam ko lang masaya ko.

Kumakanta ka nun, tumutula ako. Nagpapakapasaway tayo. Tapos nagsimulang umambon. Hindi ko pinansin nung una hanggang unti unting lumakas. Tumayo ako tapos hinila kita,

“huy umuulan!”

Pero hindi ka kumibo. Syempre, nagpapanggap ka nanaman na serious ka.

Bigla kang tumayo tapos sabi mo “di ka pa nakakapaligo sa ulan diba”

Kamusta naman yan, balak mo ata maligo sa ulan. Wala kong balak magkasakit no.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na tumayo dun, ang lamig ng ulan. Hindi ko magets kung anong masaya sa ulan.

Habang nagmunimuni ako. Nakatayo ka lang, binibilang mo siguro yung patak ng ulan.

Nakatayo lang tayo, parang tangang hindi napapansin na umulaan. Tiningnan kita. Tiningnan mo ang malayo. Binubulong sakin ng ulan ang mga salitang kahit kelan di ko maririnig sayo. Mga bagay na satin lang kapag umuulan.

Hindi ko alam kung gano katagal ang ulan. Para sakin napakabilis. Bigla na lang tumigil ang pagpatak. Basang basa tayo.

“huy! Tapos na, tao ka na! nakapaligo ka nasa ulan.”

Gago ka talaga…tumakbo tayo papuntang building. Good luck sa car seats mo mamya pag hinatid mo ko. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid mo ko.

Mahal ko ang ulan gaya ng pagmamahal ko sayo. Hindi ko kayang ipaliwanag. Ayaw kong kwestyunin. Parang pagkwestyun un sa pagligo natin sa ulan.

Tuwing umuulan, naaalala kita. Minsan naluluha ako. Minsan napapangiti. Madalas napapagkamalang baliw.

Kahit imahinasyon at kape lang ang bumubuo sa pangarap kong makasama ka sa ulan, masaya pa rin ako.

No comments: