5.22.2006

At Ang Inggit

Ikaw. nandyan ka. May sariling mundo, marami problema. Hindi mo alam naiingit ako sayo.

Ako. Nandito lang. may sariling mundo, marami ring problema. Alam ko naiingit ako sayo.

Hindi tayo magkakilala. Siguro nakasalubong na kita, nakabangga sa kung saan, e ano ba naman ang pakialam ko sa taong di ko kilala.

Kung di naman ako naghanap di kita makikita. Hindi ako magtataka kung ano bang meron sayo. Kung bakit binabalik balikan kita. Kung bakit naaliw ako sa problema mo…

Tinititigan kita. Natatanga nanaman. Ubos na ang internet card. Tapos nalaman ko na. kung bakit…

Dapat relief ang nararamdaman ko, pero hindi.

Inggit lang pala.

Inggit pala.

Nasayo na ang bagay na wala sakin. Kahit tumatawa ako, kahit umiiyak iba pa rin. dahil iba ang nasayo.

Hindi naman ang pagtawa mo ang hinihingi ko, hindi rin ang pag iyak mo.

Ang taong un.

Siya lang.

Ang taong nasayo na.

Akala ko pelikula lang ang iniiyakan ko. Pati pala ikaw na di ko kilala.

Tumawa man ako at umiyak, tawa mo lang ang maririnig niya, luha mo lang ang pupunasan niya.

Ang swerte mo. Ingatan mo.

No comments: