5.31.2006

anthology

ang daming bawal sa mundo
sinasakal nila tayo.

5.30.2006

...

Pagpasensyahan mo na. kung nandito nanaman ako. Nagmamakaawa nanaman. Gawin mo lang ang ginagawa mo dati…ang makipaglaro…ang magpaasa.

Kung dati pinagdarasal ko na ang laro natin maging totoo…ngayon hindi na.

Para ka na lang kandilang may sindi kapag brownout. Nakakaaliw…kasi wala na kong ibang magawa.

Pinagmamasdan. Iniisip kung masasaktan ba ko kung susubukan kong hawakan ang apoy. Ganun lang yun. Sa matagal na panahon.

Tapos gagawin ko rin, hahawakan ang apoy.

Masasaktan.

Tapos uulitin ulit.

Pagpasensyahan mo na kung nandito nanaman ako. Umaasa kong sa pagkakataong ito magsasawa na ko sa sakit.

5.29.2006

...

Babalik ulit ako dun sa lugar na satin lang. ung lugar na di nila alam. Lugar na di mo rin alam. Ung satin pero…pangarap ko lang.

Bumabalik ako dun, halos araw araw. Hinihintay kita na sumulpot. Hinihintay kitang umupo sa tabi ko. Di tayo mag uusap, walang pagkkwentuhan, pero magkakaintindihan.

Ikaw lang ang hinihintay ko. Lahat silang dumaan, di ko pinansin.

Katangahan nanaman… matagal mo na palang pinupuntahan ang lugar na satin lang, inakala kong satin lang.

Sa inyo pala.

Inyo.

San na ko?

5.22.2006

dalawa

dalawa

dalawang minuto
para i-iyak
hindi luha
kundi dugo
dahil sayo

bukas ganun ulit… akala ko iba na ang iniiyakan ko.un pa rin pala…stupido.

Ang daya mo, nasayo ang tali. Kailan mo ba balak bitawan…

Sa leeg ko na lang, dun mo itali. Sabay hila ng malakas. Para tapos na. ulo ko na lang ang dalin mo. Iwan mo na ang puso. Para di na ko masaktan.

Dalawang minuto lang.
Para itali
Ang lubid

Kung dati luha, ngaun dugo na. naaagos di sa mata kundi sa leeg kung san dati nakakabit ang ulo. Aagos hanggang tuyot na. para ang puso ko makapamahinga na.

At ang ulo ko na dala mo… sa mga mata luha na lang ang papatak. Di dahil sa sakit kundi dahil lang sa pagkasanay. Hindi bale, matutuyot din yan. Kagaya ng puso ko, mamamahinga na.

Taon ng pagpapahirap…
Dalawang minuto para basahin to.

ilang Segundo lang para sabihing ‘mahal kita’

at habang buhay na kong susunod sayo.

...

Minsan lalapitan kita. Wag kang lalayo. Wag mong iisipin “sino kaya ang gagong ‘to?”
Makikiusap lang ako. Pahiram naman kahit sandali, ng buhay mo, sandali lang.

Ang buhay mo , na pingarap kong maging akin. Kahit hndi ako ikaw. kahit isang malaking pagpapanggap lang ‘to. pumayag ka.

Maranasan ko lang tumawa ng gaya mo, umiyak ng gaya mo. Ng may makikinig sa tawa ko. Ng may magpupunas ng luha ko. Ng may magsasabing “ok ka lang?”
Kahit ilang saglit lang…masama bang isang araw man lang? Ang pagiging ikaw, ng makasama ko naman ang kahit kailan di ko na makikilala.

Pagkatapos babalik na ko sa sulok ko. Ibabaon ko ang kanyang ngiti, iisipin kong para un sakin. Para habang pinagmamasdan ko kaya at nagsimula na kong lumuha sasabihin ko sa
sarili ko “tiningnan ka niya sa mata, at ngumiti,minsan…”

At Ang Inggit

Ikaw. nandyan ka. May sariling mundo, marami problema. Hindi mo alam naiingit ako sayo.

Ako. Nandito lang. may sariling mundo, marami ring problema. Alam ko naiingit ako sayo.

Hindi tayo magkakilala. Siguro nakasalubong na kita, nakabangga sa kung saan, e ano ba naman ang pakialam ko sa taong di ko kilala.

Kung di naman ako naghanap di kita makikita. Hindi ako magtataka kung ano bang meron sayo. Kung bakit binabalik balikan kita. Kung bakit naaliw ako sa problema mo…

Tinititigan kita. Natatanga nanaman. Ubos na ang internet card. Tapos nalaman ko na. kung bakit…

Dapat relief ang nararamdaman ko, pero hindi.

Inggit lang pala.

Inggit pala.

Nasayo na ang bagay na wala sakin. Kahit tumatawa ako, kahit umiiyak iba pa rin. dahil iba ang nasayo.

Hindi naman ang pagtawa mo ang hinihingi ko, hindi rin ang pag iyak mo.

Ang taong un.

Siya lang.

Ang taong nasayo na.

Akala ko pelikula lang ang iniiyakan ko. Pati pala ikaw na di ko kilala.

Tumawa man ako at umiyak, tawa mo lang ang maririnig niya, luha mo lang ang pupunasan niya.

Ang swerte mo. Ingatan mo.

Ang Short-lived

Short lived lang pala ang writing streak ko. Parang mga ym conversations ko. Sandali lang tapos na. tinulugan ka na o kaya nakipag-usap sa iba.

Ang pagbblog ko parang addiction, isang matinding high tapos biglang sadsad. Kagaya ng nsabi ko na isang entry ko dito. Naghuhukay ako, tapos na un. Nasa ilalim na ko ng hukay. Mag isa nanaman

Di na bago un.

Sayang kapag nagsusulat ako, ng walang kwentang bagay, kahit maraming naaalala, masaya. Bakit ngaun puro lungkot nanaman.

5.21.2006

Simpleng Pagpapanggap lang

Maraming bagay ang ayaw ko. Ayoko ng niloloko. Ayoko ng mga taong nagpapanggap sa harap ko.

Ikaw lang siguro ang kaya kong mangloko sakin, kahit masakit.

Sana minsan, maisip mong isama ko sa pagpapanggap mo. Magpanggap tayong masaya.
Tapos balik ka na sa kanya.

Pagmamasdan na lang ulit kita.

5.12.2006

nawawala

Naisip ko mabilis tayo minsan magtapon ng bagay na akala natin sira na, kasama na rin nawawala ung mga maayos pa.

Bakit minsan sirang sira, laspag na, wala ng silbi di pa rin matapon? Kaya napupuno ng kalat ang desk ko kasi maraming bagay dun, pinaglumaan na, ung iba gumagapang na papuntang basurahan.

Di ko maitapon.

Minsan mas magandang di nalang pag isipan, tapon na lang agad. Habang hawak mo kasi para bang unti unti may maaalala ka. Hanggang sa sasabihin mo, sa susunod na lang…di ko pa kaya itapon.

Naglinis ako ng desk nung isang isang linggo ang daming kalat. Habang nagkakalkal ako, may naalala kong lalagyan. Babasagin, ung parang lalagyan ng potpourri. Maliit lang un, kasya sa palad ko. Dun ko pinagkasya ang kwento ng dati. Pano kasi ang hirap tuwing nababasa ko, ang dami kong naaalala. Taon din bago ako nakapagdecide na bitawan na un. Inisip kong sunugin, i cremate ang memories kumbaga. Kaya lang pangit isipin, ung memories mo, itim na dumi na lang. kaya pinunit ko na lang. pero ang OCness ko ayan na naman, ginamitan ko ng gunting.

Parang ako ung nagugupit. Ako ung napupunit.

Ako ung ilalagay sa boteng maliit.

Pirapiraso na, ang hirap.

Hindi ko na maalala kung kelan ko ginawa un, basta matagal na. habang ginugupit ko, binabasa ko paputol putol. Kasi pagkatapos nun, wala na. kahit iyakan ko di na mabubuo ulit.

Kung tutuusin, matagal ng sira un. Hindi lang ung papel.

Pagkatapos pinagkasya ko sa bote. Sakto lang. nilagyan ko ng sandamakmak na glue ung ibabaw para madikit ung cork na takip. Baka kasi isang araw topakin ako at maisipan kong buoin ulit. Ang ganda tingnan parang display.

Un na ung iniyakan ko dati, nagkasya sa bote na ngaun hindi ko na alam kung nasan. Di ko maalala kung itinapon ko na o itinago ko sa kung saan.

Ngaun naaalala ko ung mga bagay bagay… ang sakit isipin un lang un. Nakasya sa boteng nawawala.

too hasty II

Wow ang bilis! May sagot agad sa aking panawagan

Tama nga naman daw, na minsan iniisip mo lang na gusto mo. Kumbaga, nachachallenge ka kaya ipinipilit mo… pinapasakitan mo ang sarili mo sa bagay na hindi mo naman tlaga gusto.

Pero gaya ng dumi sa kaldero, mahirap nga namn bitiwan. Para daw bubble gum, napakalagkit. Di mo sinasadyang maupuan, di mo rin matanggal. Ang pantalon mo di mo na magamit hanggang sa maluluma na. ayon sinira lang ng bubble gum, na iniwan ng isang taong walang pakialam.

5.11.2006

too hasty

Ewan ko ba at ano pumasok sa isip ko naisipan ko idownload ang ‘sa kanya’ ng mymp. Di naman pangit ang kanta, masyado lang masaklap. Isama mo pa na sira ang file… first part lang tumutugtog.

Sa kanya pa rin… aruy. Hindi na dapat buhay ang alaala, pinatay na yan. Sa totoo lang non- existent naman yan e. talong talo ka dyan.

Ito’y wala sakin… b-a-k-i-t h-a-n-g-g-a-n-g n-g-a-u-n nagdurugo pa rin. (susme, imahinasyon mo lang yan.)

Ngaun nag iisa… lagi naman

Kung iisipin mo di ka rin sasaya sa bagay na pilit, sa bagay na di talaga sayo.

Kaya ibaon mo na yan!! ( alam ko binabasa mo to…makinig ka naman)

5.10.2006

katangahan sabay TALON

Ang katangahan ko dinadala nanaman ako sa kung saan saan. Pinapahirapan ko nanaman ang sarili ko. Nilulubos ko na ang pagbblog, ang saya e.

Habang may time pa, pproblemahin ko na ang iisipin ko bukas para ready na ko. E ang problema as usual, hindi ung ineexpect mo ang mangyayari. Aun caught off guard ka nanaman. Natanga ka nanaman. Ewan ko ba, sadya akong pinagkaitan ng tamang panghusga…

Naghuhukay nanaman ako ng hukay, tapos TALON! Gaga ka talaga. Masokista siguro ko, sinasaktan ang sarili. Kasi sa pagiisip ko kanina habang nakaupo sa sahig at naiinitan… ako lang pala ang may gawa ng sakit ko. Siguro may contribution din ang iba, pero halos lahat galing sakin. Iniisip ko lang, ang hukay . tapos saka ko tatalon at habang nandun, madilim, (sana man lang nilagyan ko ng ilaw diba?) iisipin ko kung kasalanan ko ba? Tapos marrealize ko ako lang pala. So un gawa ulit ng bagong hukay…TALON ulit, gaya ng dati.

...

tapak tapaku ulit

ligaw ako e, kung san san nagkakalat.:)

...

Ang saya nagsusulat na ulit ako. Ang sarap ng feeling, kahit wala pa rin itong kwenta na prove ko na na di pa ko tuluyang nabobobo. Nakakatakot lang ang magsulat ulit. Di gaya dati, ang srap ng pakiramdam. Ngaun may halo ng takot.Kasi tuwing nagsusulat ako may danger, na maisip kong pinanganak ako para magsulat. Katakot tlaga. Para kong itatapon ang pinaghirapan ko sa arki, hindi pa naman ako practical na tao. Kapag napagtanto ko na writing talaga ang buhay ko, di malayong itapon ko na lahat ng bagay na konek sa arki. Brrr….. bakit parang lumakas ang aircon?

Di naman siguro, kasi decided na talaga ko na ayaw ko matuto magsulat, feeling ko mawawalan na ko ng authority sa isusulat ko. Sa palagay ko lang naman un. Tama lang siguro na arki ang kinuha ko, para ang pagsusulat ng walang kakwenta kwentang bagay ang outlet ko, kundi sasabog ako.

Sa 3 taong paghihirap sa kolehiyo, bilang lang sa daliri ang magandang bagay na narinig ko sa mga gawa ko. Ang mga naaalala ko e ung galing sa spongklongs… ang mga kaibigan kong pinagtyatyagaan ako. Naaalala ko nung bata pa ako…..

Ay mali, kailan lang pala ito, si gigs lam ko di mo mababasa pero kwento ko na rin. May gawa ako dati sa bi mo simple pero may dating. Ung ‘may dating’ part inadd ko na lang ata sa utak ko. Ang sinabi mo lang ata, simple. Ok lang, masaya na ko dun. Si nancy, may sinabi dati…astig ung concept nayan… baka imagination ko lang din, pero masaya pa rin. Si nikki,ang babu ng kanyang babu( nakikisawsaw lang ) lam mong di ako cut to be an architect, e di nga ko marunong magdrawing e, pero alam mo na pinaghihirapan ko to. Karamay kita sa frustration sa mga design na wlang puso. Naks!!!!!!!! Nakakakilabot! Pareho nating mahal ang History at Theory of Arki… mahal natin… ang saya, napag usapan na rin natin na gusto natin sana dumating ang panahon na makakapagturo tayo. Ako alam ko privilege talaga un, kasi kung bano ang mga prof natin sa subject na un, di ko siguro mamahalin ng todo ang arki. Wow! Ilang beses ko na ginamit ang word na mahal….

Bulong ko lang: mahal ko rin kayo, spongklongs, kailangan ko na sabihin ngaun habang di pa ko nandidiri sa emotions na ito…hehe. Kahit madalas di ako nakakasama sa lakad, kahit harsh ako, kay koko lang naman, kahit parang wala akong pakialam sa inyo, e mahal ko kayo. Salamat sa pagtyatyaga. Kailangan lang ako katukin para magising…

Tama na un, at baka maiyak ako. Nakanams! Di na mauulit yan.

Di bale dalawa lang naman ang naliligaw sa blog na to, ako (yes, binabasa ko ito, minsan natatawa ko ako pala yon) at ang buset ng akala mo magcocomment mga nag aadvertise pala ng insurance. Insured na po ako,salamat na lang.

...

tapak tapak

5.09.2006

...

Hmm… matagaltagal na rin. Dapat sinusulit ko na ang oras dito dahil kapg nag pasukan mabobobo nanaman ako. Sa totoo lang nung college nagsimula ang kabobohan ko. Ang saya naman milestone pala ito, unang post ko na tagalog.

Ang sarap ng walang ginagawa. Kaya lang parang mas masaya magtamad tmaran kapag may class, ung tipong may ipapass kang plate kinabukasan , kasi alam mo hindi mo dapat ginagawa un. Minsan masaya talaga ang bawal.

Sa totoo lang sayang lang ang bakasyon na to sakin. Pagpasok ko sa june, patay nanaman ako. Papasok ng walang alam. Kagaya ng ginawa ko 3 years ago, ng maisipan kung pasukin ang unknown world of architecture na ngaun ay arkitorture na. kung tutuusin, gusto ko talaga to, may pakiramdam ka na dito ka dapat. Kaya lang di gaya ng iba kong kaklase na bata pa lang (o high school pa lang) e pinapangarap na to at may talento sa bagay na to, ako, kapag malapit na malaglag hirap humanap ng dahilan para kumapit. Kung sana maliit pa lang ako lam ko pinanganak ako para maging architect sasabihin ko sa sarili ko na ito talaga ang calling ko. E ang inaabot mo, kagaya nga ng sabi ko dati ‘palapit ang layo’

Palagi kong naiisip mayabang talaga ko. 2 university lang ang kinuhanan ko ng ET. UP at Ust. Sa parehong yan tumapak ako dala ang application form, may nakasulat na kursong wala namang direkson. Salamat sa kabobohan ko sa math, at di ako tinanggap ng UP. May konswelo naman, sa huli nakalagay ung math kasi dun sa ibang test e na amaze ako sa grade ko. Math lang ang malaking panira. Pero sa arkitektura ng ust pumasa ko. Nakakatawa nga kasi bano ung drawing test ko dun.

Ngaun 2 taon na lang (sana) tapos na. naiisip ko nag eenjoy naman ako, kahit sirang sira na ang body clock ko. Naiisip ko, gusto ko pinasukan ko. Tama lang na nandito ako. Pero di naman palaging ganun. Minsan naiisip ko kung natanggap kaya ako sa UP at broadcast com ang kinukuha ko, ganun din kaya ang sasabihin ko? Sasabihin ko rin bang gusto ko na broadcast com ang pinasukan ko, tama lang na nandito ako? Kung dun kaya ako napunta, maiisip ko pang mag shift sa arki?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay………………………………………………….

Ang naiisip ko dapat wala ng ganito ngaun. 2 taon na lang konti na lang pede mo nang tawagin ang sarili mong architect. Sa totoo lang hindi. Kasi habang kinukuha ko ang kursong to, lalo ko naiisip hindi lang to tungkol sa pagtatayo ng bahay, hindi lang sa pagtatyo ng mamahaling hotel o condo o kung ano mang building na pipirmahan ko ang drawings. Ayokong maging practical na architect, practical kumbaga basta malaki ang kita, bahala na kung pangit, bahala na kung ung bahay di naman gusto tirahan. Ayoko ng ganun, gusto ko ung gagawin ko, kagaya ng sabi ng prof ko, e “wowness” kasi nga naman gagawa ka rin lang pagbutihin mo na. ung tipong pagpasok ng tao e, masisiyahan siya ung may feeling ng ‘elatedness’ ung wow gusto ko ulit pumunta sa building na to. Siguro nga tlagang mahal ko ang architecture…kasi teary-eyed na ko at sinisipon.

Dati sa acad kapag di ko na tlaga kaya gumawa pinapass ko na kahit di tapos kesa naman singko e tress na lang, aba e buong summer ko un pagsisisihan no?! pero kapag sinuwerte at naging architect ako, din na pede yon. I aabandon ko na lang ang title ko at ‘mag-eearn a living sa ibang paraan’ kesa dumihan ang pangalan ng architecture sa bara barang gawa.