12.15.2010

Sana maiwan na to sa 2010

Dati parang ang hirap hanapin ng taong mukhang tama para sayo. O, ang bagal dumating ng taong para sayo.

Mas mahirap pala kapag ikaw ang hindi tama para sa taong nagpapasaya sayo. Ano naman kung hindi sya yung tama, kung hindi pa sya yung 'the one'? Ok lang yun, diba? Ang importante yung napapasaya ka niya kahit wala syang gawin.

E pano nga kung hindi ka naman tama para sa kanya. Unfair bang ikaw lang ang masaya...

Kung sabagay, quits lang siguro kasi wala naman syang pakialam. Kung iisipin mo mas ok nga yun, diba? Di mo kelangan umeffort, di rin sya umeeffort. Sakto lang.

Kaso nasasaktan ka pa rin no? Kapag nakikita mong nahihirapan sya, kaibigan ka e. Ayaw mong nasasaktan mga kaibigan mo. Pero nasasaktan ka din kapag nakikita mong hindi mo kayang bawasan man lang yung sakit. Gusto mo sana magvolunteer. Ikaw na lang, pero alam mo naman ng di ka sapat. In other words, useless ka.

So anong gagawin mo, kapag napapasaya ka nya kahit nasasaktan ka? Hindi naman nya kasalanang nahuhulog ka di ba?

Magtitiyaga ka ba sa kung ano na lang makuha mo? Wala ka naman ibang pagkakaabalahan e. Yun lang, nung huli mo ginawa yan, para kang nagmumog at lumunok ng basag na bote ng red horse. Duguan at may tama sa huli.

No comments: