12.30.2010

When I allowed myself the tears, I forgot to write. Now that you're a closed chapter, the words are back

I will make you hate me
More than you thought possible
For you will never love me
The way I hoped you would
Start saving your tears
For you will cry for me

-reposting

...

Don't let me fall. I just want to be happy and smile with my eyes.

12.28.2010

...

Para ko na lang kausap ang sarili ko. Useless na nandyan ka, di na kita marinig

Gising na!

Gising na ko sa katotohanan na tama sila. Yung iba sa kanila, tama. Nung sinabi nilang mali to, tama sila.

Nung inisip kong baka tama ako, nagkamali ako.

Hindi pala ko gising nung inisip ko yun, hindi pala ikaw ang nakita ko nun. Ibang tao pala yun, yun yung akala ko ikaw.

Nagkamali nanaman ako.

Okay lang siguro, ulit na lang ulit.

Tulog ulit?

12.27.2010

Delirious

Waiting is painful. Forgetting is painful. But not knowing which to do is the worse kind of suffering.

Paulo Coelho

12.21.2010

Quitters never win

Should you quit before the game is even over?

12.15.2010

Sana maiwan na to sa 2010

Dati parang ang hirap hanapin ng taong mukhang tama para sayo. O, ang bagal dumating ng taong para sayo.

Mas mahirap pala kapag ikaw ang hindi tama para sa taong nagpapasaya sayo. Ano naman kung hindi sya yung tama, kung hindi pa sya yung 'the one'? Ok lang yun, diba? Ang importante yung napapasaya ka niya kahit wala syang gawin.

E pano nga kung hindi ka naman tama para sa kanya. Unfair bang ikaw lang ang masaya...

Kung sabagay, quits lang siguro kasi wala naman syang pakialam. Kung iisipin mo mas ok nga yun, diba? Di mo kelangan umeffort, di rin sya umeeffort. Sakto lang.

Kaso nasasaktan ka pa rin no? Kapag nakikita mong nahihirapan sya, kaibigan ka e. Ayaw mong nasasaktan mga kaibigan mo. Pero nasasaktan ka din kapag nakikita mong hindi mo kayang bawasan man lang yung sakit. Gusto mo sana magvolunteer. Ikaw na lang, pero alam mo naman ng di ka sapat. In other words, useless ka.

So anong gagawin mo, kapag napapasaya ka nya kahit nasasaktan ka? Hindi naman nya kasalanang nahuhulog ka di ba?

Magtitiyaga ka ba sa kung ano na lang makuha mo? Wala ka naman ibang pagkakaabalahan e. Yun lang, nung huli mo ginawa yan, para kang nagmumog at lumunok ng basag na bote ng red horse. Duguan at may tama sa huli.

12.02.2010

Timing

Hindi naman ako humihingi ng signs. Namesake mo yung katabi ko sa coffeeshop. Song mo yung tinutugtog sa store. Nasa coffeeshop ako, inaassociate kita dito. Magulo lang.

Hindi ako humihingi ng signs. So hindi to sign, nakikita Lang
Kita sa maraming bagay. Hassle!